Saturday, July 30, 2011

Hindi Masyadong Happy Ending

Sinubukan ko uli makipag-date.

Linggo ng gabi, nag-decide kami magkita sa SM Fairview.
Nilalaro-laro ko yung Techdeck ko sa lamesa habang humihigop ng mainit na Cafe Mocha habang hinihintay ko siya.
Ilang sandal pa, tumambad sya sa harap ko- nakangiti. Ang ganda ng ngiti niya.
Kwentuhan, tawanan, at nagdecide kami manuod ng sine.
So umakyat kami sa 3rd floor at nagbayad ng tickets.
“2 tickets for Priest.” Sabi nung cashier.
Konting fast forward, natapos na yung movie at nagdecide naman kami pumunta sa Nova Stop para shumot at kwentuhan uli.

After a few bottles of beer, mas nakikilala namin ang isa’t isa.
Artist din sya. Nagpapaint din siya, pero hindi namin napagkwentuhan kung nagsusulat din siya.
Bukod dun, andami pa naming common interests. Syempre, di mawawala yung LOVE sa topic naming dalawa.
Niloko pala siya ng ex nya.
Konting advice, konting tawanan, asaran, nagiging light na uli yung conversation namin.
Nung ubos na yung isang bucket namin, nag-isip kami ng gagawin.
“Gusto mo ice cream?” sabi ko. “Sige!” sagot siya. Tas dumirecho kami sa Mini Stop para mag-sundae.
Naubos na naman yung oras naming sa kwentuhan at tawanan. Di namin napansin na halos 4 na pala ng umaga kaya nag-decide na kami umuwi.

Text text habang nasa byahe, “Ingat pauwi!”, at iba pa.
Naramdaman kong may spark saming dalawa.

Maraming araw pa yung lumipas, napapadalas yung pagkikita namin.
Sa Eastwood madalas kami kumakain sa Fazoli’s. Sobrang favourite nya yung Italian chicken nila.
Nararamdaman ko sa mga panahon na yun na baka nga pwede kaming dalawa. Pero hindi pa ko nag-eexpect.

Flash forward, sumakay na kami ng cab papuntang Cubao para umuwi.
Ang kulit namin sa cab, di kami nauubusan ng topic na pag-uusapan.. pero hindi namin napag-usapan yung tungkol samin. Sa nararamdaman namin.

Bigla kaming tumahimik.

At that very moment, hinawakan niya kamay ko.
Natunaw ako.
Tunaw na tunaw.
Hindi ko alam, pero bumilis bigla tibok ng puso ko, napapangiti ako, at sobrang tensed ako. LOL.
“Are we dating?” bigla kong nasabi. As if namang di ko alam. Pero kinonfirm ko lang. Napangiti sya at ginalaw yung ulo nya pataas-pababa. “Oo” sabi niya.
Eh di siyempre sa isip ko parang halos tumalon ako.
Kinilig ako eh.
Matagal ko hindi naramdaman yun.

At nasa Cubao na kame. Nung malapit na ko sa sakayan, hindi parin matapus-tapos yung kwentuhan namin.
“Tara, lakad-lakad pa tayo.” Sabi ko sa kanya. Pumayag naman siya. Sa daan, parang naging amin yung buong universe. Tumatalon puso ko nun. Di namin namamalayan na halos nalibot na namin yung buong Araneta Center dahil sa kakakwentuhan.

Ilang araw pa uli yung nakalipas, ilang gabi na puno ng kilig at saya, nagkita uli kami.
Dun sa Eastwood mall, nanuod kami uli ng sine.
“Malapit na birthday ko.” Sabi niya.
“Oh, nice. Invited ba ko?” biro ko. Pero umiling siya.
“Hindi naman ako magcecelebrate.”
Tumawa nalang ako.

“May iba ka pa bang dinidate?”
Hindi ko alam kung ba’t ko natanong yun.
Curious siguro, pero siguro nga curious lang ako.
Ginalaw niya uli yung ulo niya pataas-pababa gaya ng paggalaw niya sa taxi.
Ewan ko, pero na-BV ako bigla dahil sa sagot niya.
Naisip ko, "shet..lahat ng sinasabi niya sakin malamang sinasabi niya din sa iba."
Natapos yung movie na hindi ko siya kinakausap.
Alam ko hindi rin kasi namin napag-usapan yung pagiging exclusive pero siguro, siguro yun yung nasa mindset ko.

Mali pala. MALING-MALI.

Lumabas kami ng mall na hindi ko padin siya kinakausap.
May mga moments na inaapproach niya ko para kulitin pero sobrang BV ko na talaga eh.

“Uwi na tayo.” Sabi ko.
Sa jeep, BV padin ako. Ni hindi ko kayang tumingin sa kanya.
Ang OA nga ng feeling ko eh, pero siguro at that point, nahurt talaga ako.

So nasa Cubao na kami.
“Tara, daan tayo saglit sa Cubao Ex.” Sabi ko. Pumayag siya.
Umupo kami dun sa may sulok.
Indian sit. Habang yung mga artists eh dumadaan sa likod at harap namin.
“Alam mo, sobrang nahurt ako dun sa nalaman kong may iba ka pang dinidate.”
Sabi ko sa kanya.
Tumungo lang siya.
“Oink..meow..arf.. Ok lang yun.”
“Bark..awwrrr..chip.. Sorry.”

“Priority ko kasi ngayon yung maghanap pa ng work. Hindi ko pa alam kung anong gusto ko.”
“Moo.. croo.. meow.. Naiintindihan ko.”

Tumayo na kami at naglakad.
Sa ilalim ng malulungkot na ulap at bitwin, unti-unti natatapos yung masasayang araw naming dalawa.
Sa mga panahong yun, nasa isip ko lang eh yung pagkakamali ko na gawing exclusive lahat.
Yung mag-akala sa bagay na one way lang pala.
Nasasaktan ako siguro, pero hinahayaan ko nalang.
Sumagi sakin yung malalamig na hangin na puno ng alikabok na pinapalamig uli yung puso ko.

Nakarating na kami sa dulo.
Andaming tao, pakiramdam ko nakatingin silang lahat saming dalawa.

Tumigil kaming dalawa at tumingin ako sa kanya.
Ang ganda talaga ng mga ngiti niya.
“Sige, ingat ka pauwi.” Sabi niya.
“Sige, ikaw din.” Sagot ko naman.

Yun na yung huli naming pagkikita.

No comments:

Post a Comment