Monday, June 13, 2011

Tuwing Umuulan.

Kakauwi ko lang galing trabaho at sobrang antok na ko.
Nilapag ko yung gamit ko sa kama ko, nagbihis at nagpaluto ng breakfast.
Ang sarap, nabusog ako. Nawala antok ko kaya naisipan kong mag-internet.

“May isang oras pa”
sabi ko sa sarili ko.
Usually kase pag nightshift ako, dapat by 9:30am tulog na ko para may atleast 8 hours of sleep ako.

So yun nga, nag-internet ako.
Sa Facebook, yung status ng isa kong kaibigan eh “Rainy Tuesday everyone…”
Eh pagtingin ko sa labas hindi naman umuulan.
Bigla ko naman din naisip pakinggan yung kanta ni Regine Velasquez na “Tuwing Umuulan.”
Maiconnect ko lang yung sarili ko dun sa FB friend ko. LOL.
Pero ilang minuto pa, nagsimula na ring umulan dito sa lugar namin.

Ayaw na ayaw ko talaga pag umuulan eh.

Una, maingay.
Pangalawa, madilim.
Pangatlo, nkakalungkot.
Normal na sakin yung ganito eh, yung malungkot pag umuulan.
Madami kasing pumapasok sa isip ko na mga bagay na matagal ko nang kinalimutan pero bumabalik na naman.
Random lang. Walang specific na tao or event or whatsoever, basta yung tipong jampack lang ng mga memories.
Nakakainis lang kase maaapektuhan na naman yung buong araw ko nito.

Ito yung mga oras na napapaisip ako.
Ito yung mga oras na minsan nagtatampo ako kay God.
Ito yung mga oras na kelangan ko ulit-ulitin sa sarili ko na dapat kalimutan ko nalang.
Sila kaya, nalulungkot din pag umuulan?
Pag naaalala nila ako? Kami?
Sila kaya, minsan, dumaan ako sa isip nila?
Minsan kaya namimiss nila ako?

Ayun. Yun yun eh. May namimiss lang siguro ako.
Siguro. Malamang. Kaso wag nalang.

Pumunta ako ng kusina para magtimpla ng gatas.
Pampaantok. Malungkot padin mga mata ko.

Bigla ko na naman naalala yung kanta ni Regine.
Lintik na Regine yan.

"Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila... Ikaw ri'y magpapalam na..... (high pitch)"

Tama na, tama na.
Nakakalungkot talaga pag umuulan.
Magyoyosi lang ako .
Isa lang.
Tas uubusin tong gatas tas matutulog na ko.
Paggising ko wala na to.

1 comment: