Saturday, August 13, 2011

Sa Loob Ng Kwarto

Alas tres ng hapon. Sabado.
Ang sarap ng tulog ko pero nagising ako sa pagbukas ng gate.
Dumating na pala yung kapatid ko.

Tinignan ko yung cellphone ko. Walang text niya.
Pumikit ako uli at natulog.

Alas singko y medya. Mapungay pa mga mata ko.
Hikab ng malakas, hikab hikab hikab.
Para akong naka-glue sa kama. Wala paring text galing sa kanya.

Tulala ako sa buong kwarto.
Tinititigan ko yung mga long sleeves ko na naka-hanger sa cabinet.
Yung kurtina na kulay green na sinasala yung araw na pumapasok sa kwarto.
Inikot ko ng konti yung ulo ko, napatitig ako sa plastic cabinet ko.

Punung puno yun ng stickers. Kung anu-ano. Mga tatak ng damit, mga ginupit sa magazines,
pero yung pinakamalaking nakadikit dun eh yung nakita ko sa magazine na "My Heart Is Broken".

Napatigil ako.
Kumuyakoy.
Naghintay ng oras.

Naisip ko yung inuman namin kaninang umaga after ng shift.
Namiss ko yung Brown Paperbag sa labas ng Eastwood.
Ang sarap talaga uminom dun.
May pader sila eh na pwede ka magsulat ng kung anu-ano.
Sa tinagal tagal kong pumupunta dun, kaninang umaga lang ako nagsulat dun.
"Lecheng pag-ibig yan."

Naisip ko din yung isa sa mga pioneer ng office namin.
Nagulat ako ba't sya nagresign. Siguro di na niya kinaya yung patuloy na pagbabago sa sistema ng kumpanya.
Lahat naman kase nagbago, pwera yung sked. Ayaw niya ng graveyard. Ako din naman. Pero ayoko pang umalis.

Naisip ko din bigla parang gusto ko bumili ng damit.
Ano nga ba bibilhin ko? T-shirt o polo shirt?
Plain, striped, o may print?
Saan ba ko bibili? Gagamitin ko ba yung Sodexo ko o magcacash ako?

'Tas bigla ako nabingi.
Lumalalim na pala ang gabi.
Tahimik padin sa buong kwarto, umalis uli yung kapatid ko.
Mag-aalas sais na.

Wala padin text niya.



"Makapag-blog na nga lang."
sabi ko habang hirap na bumabangon sa pagkakahiga.
Di ko alam kung dahil sa bigat ng katawan o dahil sa bigat ng puso.

O baka parehas.

1 comment: