"Can you go here at my place nalang and sabay na tayo pumunta ng EDSA?" sabi niya sa text niya sakin.
At dun na nga, pagktapos namin uminom ng mga officemates ko, nagtaxi ako pa-Rotonda.
Nagkita kami at nag-taxi papunta sa apartment niya kahit na 3 blocks lang yung layo nung pinagkitaan namin papunta sa kanila. "It's only 3 blocks away but the blocks are large." Sabi niya sakin.
Pagkapasok sa unit niya, nagandahan ako sa ambience.
Yellow lights, nice lamps, nice furnitures, a really comfy sofa, and a large LCD TV.
Tas umupo siya sa tabi ko. Nagshake hands kami.
"So what's up Markus?"
"OK naman".
"We have an hour to bond before I go to work."
I looked at my watch, "Oo nga."
Then we started talking about random things.
From work to my tattoos.. everything. Halos lahat.
Umaandar yung oras. "I hate looking at your watch" sabi niya.
"Ask." sunod pa nya.
Ang lalim niyang tao. Siguro isa siya sa mga pinaka sensible na taong nakilala ko.
"Kung masstuck ka sa isang island, anong 3 bagay ang dadalhin mo?"
"A book, a match, and a blanket."
"Who's your favorite author?"
"I'll text you."
"Nah. Say it."
At tumahimik nalang kami parehas.
"Are you in love?" tanong niya sakin.
"Nope."
"Do you love?"
"Of course I do." sagot ko.
"Are you happy?" tanong niya uli.
"Sakto lang."
"Are you sad?"
"Sakto lang din."
Binalik ko yung tanong.
"Are you happy?"
"Yes."
"Are you sad?"
"Yes."
"Why?" tanong ko.
"Coz I'm human."
Sa buong mga panahon na yun, puro kami palitan ng mga tanong na hindi ko naman alam kung importante para saming dalawa. Hindi ko nga talaga alam kung anong ginagawa o nararamdaman ko nung mga panahong yon. Lasing ako, hilo, at parang gusto ko na umuwi para matulog pero ansarap niyang kausap.
"You're like Ralf Hart." sabi ko sa kanya.
"Who is he?" sabi niya. "Read Paulo Coelho's Eleven Minutes and you'll know." sagot ko sa kanya.
Sa novel ni Paulo Coelho, isang painter si Ralf Hart na nakilala ng prostitute na si Maria. Nung unang gabi na magkasama sila, umupo lang sila sa sala ng bahay ni Ralf at nagkwentuhan ng mga sensible na bagay. Hindi alam ni Maria na nahuhulog na pala ang loob niya kay Ralf Hart.
"Do you like giving hugs?" tanong ko.
"Yes, why? Do you want me to hug you?"
"Yes."
At niyakap nya ko. Mahigpit. Sobrang higpit.
"Feeling better?"
"Yes. Yes."
Hinila niya ko patayo at niyakap niya ko uli.
Sa mga panahong yon, iniisip ko na sana tumigil yung oras.
Naglapat yung mga labi namin at may nangyari nang kakaiba.
Pagkatapos ng ilang minuto, "That's funny and awkward at the same time." sabi ko.
"Yeah, and I better get ready for work." sabi niya.
Malapit na mag-1 am. Malelate na siya.
Nagmadali kami lumabas at sumakay ng cab. Hindi ako makatingin sa kanya pero alam ko na masaya ko habang katabi ko siya.
Masaya, komportable, nakita ko si Ralf Hart.
Yun nga lang, hindi tulad sa novel ni Paulo Coelho, alam kong hindi siya mananatili.
No comments:
Post a Comment