Tuesday, September 13, 2011

General Cleaning.

September 14, 2011.
Tuesday.

Nagkasundo kami ng kapatid ko na mag-general cleaning ng kwarto.
Urong dito, urong dyan, yung kama, cabinets, at kung anu-ano pa.
Yung mga plates ko nung college, mga photography stuff, at patay na daga.
Nakakalat lahat sa ilalim ng kama.

Mahilig ako magtago ng mga bagay-bagay na malakas yung sentimental value sakin.
Nakita ko yung box ko. "Box of Memories" yung tawag ko dun.
Asar nga lang, nginatngat na ng daga yung iba, kahit yung mga comics na dinrawing ko nung grade 5 ako, sira-sira na.
Ansakit sa puso ko habang tinatapon ko yung iba. Nakakamatay (OA).

May nakita rin ako. Paperbag sya na nakatupi na balot ng masking tape. Yung tipo na ayaw magbukas sa sobrang kapal ng layer ng tape.

"The Good Ol' Times 11/06/08" yung label.
Inisip kong mabuti kung ano yun. Then poof! Naalala ko na.

Flashback: Nung 11/06/08, medyo fresh pa sa breakup namin, sobrang hurt ako, lahat ng memorabilia namin nilagay ko sa paperbag na yun at sinabi ko sa sarili ko na bubuksan ko lang uli yun pag naka-move on na ko.

Pero mukhang nakalimutan ko na yung tungkol dun at eto nga, nakatambad sa harap ko yung paperbag.
Dahan-dahan ko siyang binuksan (teleserye style). Ang hirap buksan. Effort. Ang diin ng pagkakadikit ko. LOL. Pero nabuksan ko din siya.

At ang laman... *drum roll* puro memorabilia!
Kinalkal ko. So nakita ko yung malaking malaking mapa ng Enchanted Kingdom, yung ticket nun (may 20% discount kame!), mga sweet notes. Teka, eto yung pinakasweet na nabasa ko dun sa mga yun...

Ay wag na pala, masyadong cheesy. Hoho!
Going back, ayun puro sweet notes nga. Mapa-tissue, papel, in all forms! Nakangiti ako habang nagrereminisce. Eto yung pagrereminisce na di ako nalungkot. Nakangiti talaga ako. 3 years na pala yung nakaraan. Ang sweet ko pala nuon.

May isa rin akong nakalkal.
Cigarette case siya.
Alam ko gift niya sakin yun dati (I used to be a heavy smoker).
Ang ganda kulay black siya. Kung nagssmoke pa ko, gagamitin ko uli to eh.

Eh binuksan ko.

"Putangina!" sabi ko. Sabay sara ng cigarette case.
Tulala for 2 seconds (binilang ko talaga). Tas binuksan ko uli ng dahan-dahan teleserye style.

Nakita ko dun yung 2x2 picture niya. Pang-ID ata yun ewan ko ba't niya binigay sakin. LOL, iba pang sweet notes, movie tickets, at syempre, yung singsing.
Makintab padin siya in fairness.
Chineck ko kung may naka-engrave pero wala pala. Hehe. Tas siyempre, sinuot ko uli.
Kasya na sya! Dati kase maluwag yun eh.
So nag-enjoy ako. Habang tinatype ko tong blog, suot ko padin yung singsing.

Siguro itatago ko nalang uli tong mga to.

Minsan pala talaga may mga memories na hindi naman nakakalungkot pag naaalala.
Tulad nito, pinangiti ako nito. Pinaalala niya sakin kung gano kasarap magmahal. Kung gano kasaya ishare yung puso mo.
Minsan nga lang talaga hindi nagwowork out ang mga bagay-bagay. Pero eto, mga to, yung mga memories, dito tayo huhugot ng lakas. Eto yung magpapaalala satin na minsan nagmahal tayo...

at minahal tayo.

No comments:

Post a Comment