Friday, September 30, 2011

Kulay Blue

Pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga, naririnig kong tumutugtog yung Can't Cry Hard Enough at bigla kang pumasok sa isip ko.

Ikaw.
Ikaw na naman.

Aaminin ko, walang araw na hindi kita naisip.
Kung kumusta ka na ba, nasan ka na ba, anong ginagawa mo, masaya ka ba ngayon.

Nagbalot ako ng kumot.
Unti-unting lumalamig dahil parating na si Bagyong Quiel. Pucha, bagyo na naman.
Tuluy-tuloy padin yung pagtugtog ng kanta.

Tuluy-tuloy din yung pagtakbo mo sa isip ko.
Hindi ko alam kung bakit ang hirap mong kalimutan.

Matagal nang panahong yung lumipas pero bakit pag naiisip kita, masakit padin?
Bakit hindi ko makalimutan yung araw na binigyan mo ko ng Toblerone habang kumakain tayo sa Tokyo Tokyo?
Bakit di ko makalimutan yung ngiti mo pag magkatabi tayo sa bus?
Bakit hindi ko makalimutan yung pakiramdam pag hinahawakan mo yung kamay ko?



Siguro gusto ko lang ng mga sagot.
Sagot sa mga tanong na hindi ko nasabi sayo.
Bakit biglang ayaw mo na?
Bakit biglang nawalan tayo ng pag-asa?
Madami pa kong gustong sabihin sayo. Madami akong gusto itanong sayo.
Minsan pag nasa mall ako iniisip ko na bigla kitang makakasalubong. Anong ibig sabihin nun?
Sobra-sobra na yung binigay mo saking lungkot, sana hayaan mo na ko.
Pero alam ko na kahit anong gawin ko, di ka na babalik.


Bago ko tapusin ang blog na to, may isa lang akong hiling sayo.
Isoli mo na ang puso ko.

Tapos na yung kanta.
Tumingin ako sa bintana. Umuulan na. Ang lakas. Ang lamig.
Humiga ako uli at tumagilid habang pumapatak ang ulan kasabay ng mga luha ko.

No comments:

Post a Comment