Friday, December 24, 2010

Ang gulo!

Una sa lahat, maligayang pasko.
Kung mapapansin  ninyo, kahit konti lang followers ko, parang nagreformat ako ng blog.

Yung una kasi english eh. Parang nalilimitahan yung gusto kong sabihin.. 
Yung tipo ng blog na gusto magpa-impress. hehe..
Kaya eto naisip ko gusto ko yung blog ko yung talagang magiging outlet ko.
Yung masasabi ko lahat ng gusto ko, walang keme!
Walang pake!
Basta sulat lang nang sulat.

Eh ba't ng ba MAGULO yung pangalan?
wala lang. unang salitang pumasok sa isip ko nung nag iisip ako ng  salita eh.
Tas yung description, impromptu lang din.

Ganun ka-random ang buhay ng tao.
Ganun din kagulo.

Minsan malalaman mo yung girlfriend mo,
ex pala ng bestfriend na ex ng kapatid mo na tropa din ng kapitbahay mo nung college
na anak ng ninang mo na ex ng tatay mo nung kabataan nila.

Kitam.
;)

No comments:

Post a Comment