Siguro marami nang nakakaramdam sating sa papalapit na papalapit na araw ng mga puso.
Marahil madami sa atin yung may mga date, pero malamang meron din walang kasama.
Siguro kaibigan nalang o pamilya.
Hindi naman bago sakin yung mga ganyang eksena, kasi siguro nga hindi ko pa talaga narereach yung point na mkaranas ng sobrang magandang valentine's.
Dalawang taon na yung nakakraan nung unang beses kong naranasan yung may date sa valentine's. Yup masaya sobra. Sweet. Candlelight sa Japanese fastfood. Yup fastfood pero yung nagpaspecial dun eh yung taong kasama ko. Ang cute pa dun eh yung free valentine's card sa kinainan namen. Naglakad kame, umikot, naglambingan, nagpalitang ng masasayang salita. Walang ka-idea-idea sa mga pwedeng mangyari.
Siguro isa yun sa mga masasayang araw ko ng taong yun.
Mga 10:00 na ng gabi nung magdecide na kaming umuwi.
Pumunta na kami sa sakayang ng bus at hinintay nya kong makasakay.
Binigay nya sakin yung card na galing sa fastfood at sabi nyang basahin ko nalang yun pag nasa bus na ko.
"I love you."
Yan ang huli niyang sinabi sakin.
Nung nasa bus na 'ko, di mawala sa mukha ko yung ngiti at excitement habang binubuksan yung envelope ng card. Pero nagulat ako sa nabasa ko.
"By, hindi na ko sure sating dalawa. Humingi ako ng mga signs pero lahat yun nag-lead sa ganitong decision. Give me space muna. I'm sorry."
Yung ngiti ko napalitan ng simangot. Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nun.
Kasi diba, from masaya biglang ganun.
Di na siya nagtext after nun.
Di ko alam kung ano ba talagang nangyari.
Maya-maya biglang may nagtext sakin. Yung tropa ko nung college:
"Mark! Dito kila Gela. Singles' party!"
Napangiti ako.
Pero sa totoo lang naiiyak na ko nun.
No comments:
Post a Comment