Wednesday, February 2, 2011

Time Machine

Palagi natin sinasabing laging nasa huli ang pagsisisi.
Minsan kasi may mga pagkakataon sa buhay natin na kung sana pwede lang uli balikan para mabago mo kaso huli na ang lahat.

Yung rosas na sana binigay mo nadapat sa kanya.
Yung oras na sana niyakap mo siya.
Yung exam na sana nangopya kanalang para nakagraduate ka sana.
Yung panahong sana tinuloy mo nalang mag-abroad.
Yung chocolate na sana di mo nalang tinapon.
Yung sorry na dapat sinabi mo.
Yung bagay na dapat binili mo.
O kahit yung oras na sana nagtapat ka na sa kanya.

Minsan may mga pagkakataong mag-isa tayo sa kwarto at biglang papasok sa isip natin yung mga bagay na ganito. Naiisip natin "pucha sana ginawa ko nalang yun." o "nakakainis dahil naging torpe ako."
Pero may magagawa pa ba tayo? Naisip ko kaya rin nangyayari yung mga ganung bagay eh kasi dapat may matutunan tayo.

Mga bagay na nirerefuse nating matutunan pero talagang dadating sila eh.


Minsan naiisp natin talaga na balikan ang nakaraan, pero kung hindi dahil dun eh hindi tayo magiging kung ano tayo ngayon. Madami satin gusto tanggalin yung mga pagkakamali na nagawa noon, at itama lahat yun. Kaso hindi pwede. Kung pwede lang sana, kung pwede lang. Kung may time machine lang. Pero wala, wala talaga.

Hindi man natin nagawa lahat ng mga bagay na dapat ay ginawa natin, mahaba pa naman ang panahon para mabago natin yun.
"Life has no ctrl+z" palagi ko yang nakikita.
Tama.
You can't undo life.
Pero you can lessen your mistakes.
Gamitin natin yun para mas maging mabuting tao.

3 comments:

  1. hindi mo alam kung ano ang tagalog ng nirerefuse noh? hehehehehe!! miss ka namin mark! =)

    ReplyDelete
  2. Ganda pagkakasulat blog mo, pare. Obviously, imaginative and observant ang mind mo. Pero parang me mali dun sa "exam na sana nangopya ka na lang...". Sa akin kase, the end does not justify the means, especially if the means are wrong, hurtful, and unfair. Sana sulat ka pa ng madami.

    ReplyDelete
  3. Salamat, Rolito! Bihira lang ako magsulat kasi medyo tamad akong tao. O medyo moody na rin. LOL. Pero gagamitin ko yung sinabi mo sa mga susunod ko pang isusulat. Follow mo ko, ha? ;)

    ReplyDelete