Yung natitirang barya mo ipinambili mo pa ng mumurahing crayola at pantasa.
Buong klase tuwang tuwa sa ginawa mo.
Sa harapan, pinalakpakan ka dahil ang galing mo magdrawing ng earth, caterpillar, at mga tao.
Running for top 1 ka nga eh.
Pero yung favorite student ng teacher mo ang highest.
Labimpitong taon kang na nag-aral.
Ginawa mo lahat para makagraduate sa oras.
Awa ng Diyos, naging cum laude ka pa.
Lahat ng tao tuwang tuwa para sa'yo.
Lahat naiinggit sa'yo.
Lahat gustong maging katulad mo.
Pero mas magaling parin yung ate mo para sa nanay mo.
Buong buhay mo inalay mo sa trabaho mo.
Halos di ka na umuuwi para matapos ang proyekto.
Araw-araw, dugo't pawis ang inaalay mo.
Sabi nga ng mga ka-opisina mo, may pag-asa kang mapromote.
Humiling ka sa langit sana magkatotoo.
Na dahil dun, maaari mo nang matugunan lahat ng kailangan ng pamilya mo.
Pero yung bayaw ng boss mo ang naging presidente.
Araw-araw kayo magkasama.
Linggu-linggo nagkukulitan.
Buwan buwang umuupo sa ilalim ng mga bitwin.
Sabi mo gusto mo siya.
Sabi niya gusto ka rin niya.
Niyakap mo siya ng mahigpit at hinalikan ka niya.
Isang taon kang naghintay.
Pero huli na nang malaman mong iba na pala ang sinagot niya.
Masakit isipin at tanggapin na nangyayari talaga yung ganito.
Sa buhay ng tao madalas tayo mabigo.
Minsan yung akala nating best effort eh medyo di pa pala sapat sa iba.
Iisipin natin sa sarili natin kung ano bang kulang satin, o may mali ba satin.
Hindi naman natin kayang iplease lahat sabi ng iba.
Mahirap.
Ikaw, naramdaman mo na bang maging hindi sapat?
Sapat para sa isang tao?
No comments:
Post a Comment