Pelikula ni FPJ ang nakasalang sa mumurahing DVD player.
Mga batang nagpapabili njg kendi sa nanay nila.
Yung mamang nagtitinda ng mineral water.
Sari-saring tunog ang maririnig sa loob.
Pero tahimik lang silang dalawa.
Papunta sila ng Cubao.
Magkatabi sila ngunit di nag-uusap.
May mga segundo na nahuhuli nilang sinusulyapan ang isa't isa.
Buntong hininga.
Sinubukan niyang kausapin si Hanna ngunit di nya masabi lahat ng gusto niyang sabihin.
Madaming minuto ang lumipas ngunit nanatili silang tahimik.
Nakatingin sa bintana.
Tensyon ang bumabalot sa kanilang dalawa.
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Hanna ngunit nakasara ang mga ito.
Halata sa kanila na may parehas silang gustong sabihin ngunit tila may pumipigil sa kanila.
Bumalik sa kanya ang mga ala-ala nung nakaraang Sabado.
Tatlong araw na rin pala ngunit wala paring pagbabago.
Tatlong araw na rin pala ngunit wala paring pagbabago.
Muli niyang sinubukang kausapin si Hanna pero naging busy ito sa pakikinig sa MP4 niya.
Natulog na lamang siya sa byahe.
Ilang saglit pa...
"Oh Cubao! Cubao!"
Sigaw ng konduktor.
Agad siyang nagising at bumaba na sila ng bus.
Hinatid na niya si Hanna sa terminal.
Niyakap niya ito nang mahigpit. Sobrang higpit.
"I'm sorry."
Yun na lang ang nasabi niya.
"I'm sorry."
Yun na lang ang nasabi niya.
Bahagyang ngumiti at nagpunas ng luha.
Alam niyang yun na ang huli nilang pagkikita.
No comments:
Post a Comment