Wednesday, March 9, 2011

Bente Dos

Sa sobrang bilis ng takbo ng panahon at minsan sa sobrang pagmamadali natin,
madami tayong nalalampasang mga bagay. Tulad ko. Sa sobrang pagiging busy ko sa iba't ibang bagay, idagdag mo pa yung araw araw na drama na pinagdadaanan ko, hindi ko namalayang March 10 na pala ngayon. At oo, bukas birthday ko na.
22 na ko bukas. Hindi pa masyadong matanda, pero di na rin ganung kabata.

Mula sa batang tuwang tuwa na pag nakapagdrawing ng di kagandahang star,
isang batang tampulan ng tuksong "bading",
isang batang mahilig manuod ng MTV,
isang batang palaging bitbit ang cassette tape ni Britney Spears,
mula sa batang madalas napapalo dahil ayaw matuto magpiano, masasabi kong medyo malayo na narating ko.
Hindi man ako nabiyayaan ng sobrang rangyang buhay o magagarang damit at kotse, masaya na din ako sa kung anong meron ako. Kaibigan, pamilya, magandang career, at magandang cellphone. *wink*

Sabi ng isa kong kaibigan, normal lang daw na medyo malungkot tayo pag malapit na birthday natin, kasi naiisip natin unang una yung edad, next yung accomplishments, pangatlo yung future.
Ano nga ba naghihintay sakin sa future?
Magiging successful pa kaya ako lalo?
Magfflourish pa kaya ako sa career ko?
Magiging mas mabuting tao ba ko?
Lahat naman siguro yun eh depende sa pipiliin kong choices.

Madami padin kulang. Sobrang daming kulang.
Pero syempre di naman maaachieve nang sabay sabay yan.
22 taon palang akong nabubuhay, mahaba habang lakad pa to.
Pero sa huli dapat thankful parin ako, kasi yung iba hindi nabibigyan ng chance na makaabot sa ganitong edad.

Siguro yung mahihiling ko sa ngayon eh peace of mind, more strength, more more happiness, and more more more knowledge.
Kung anuman naghihintay sakin, si God nalang nakakaalam nun.
Pero sa ngayon, magcelebrate na muna tayo.
Alak pa!!!!

No comments:

Post a Comment