Tuesday, March 8, 2011

Wag Kang Bibitaw

Palaging dumadating yun oras na parang suko na tayo.
Sa panliligaw, sa pag-eexam, sa paghahanap ng trabaho, at sa iba pang bagay.
Minsan kasi malabo yung future, hindi natin sure kung dapat pa ba nating ituloy o hindi na.
Nalilito tayo.
Minsan dadating yung araw na kala natin ayaw na natin pero biglang may mangyayaring bagay na magpapabalik satin sa dati.
Kung baga sa video game, nasa level 3 ka na, pero game over, back to level 1 ka na naman.

Natatakot tayo magtake ng risk palagi.
Play safe nalang lagi pero hindi tungkol dun ang buhay ng tao eh.
Pero ano ba talagang gusto kong sabihin?
Hindi ko alam kasi naguguluhan din ako.
Ipaglalaban ko ba o hindi?
Susuko ba ko o itutuloy ko?

Kahapon habang nagnenet bigla akong napadpad sa page ni Justin Bieber at pinakinggan ko yung Never Say Never. Hindi ko alam kung sign ba yun or what, pero it made me think na why not try?
Sabi nga, kung gusto mo talaga ang isang bagay, eh di ipaglaban mo.
Kung para sa'yo yan, para sa'yo; pero kung hindi, eh putangina.

Syempre putangina talaga yun kasi sayang ang efforts, pero that shouldn't stop us from hoping for a better day. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon eh nakukuha natin yung gusto natin. Perfect? LOL
Isipin nalang natin na kung may 99 na dahilan para sumuko, eh may 1 dahilan para kumapit ka.
Kapit lang! Bitaw ka nalang kung talagang tinulak ka na.
Hangga't may liwanag, may pag-asa.
Kahit konting liwanag lang, pag-asa padin yan.

Promise.

Wag kang susuko.
Wag kang bibitaw.
Kaya mo yan.
NEVER say never.
:-)

And there's just no turning back,
When your hearts under attack,
Gonna give everything I have,
It's my destiny.

~ Never Say Never, Justin Bieber

No comments:

Post a Comment