Malamig ang hangin ng gabing yun.
Napatingin ako sa langit at nabighani ako sa ganda ng mga bituin.
Iba-ibang laki, iba-ibang lakas ng kutitap.
Napangiti ako.
Sobrang perpekto ng gabing yun.
Alam ko sa mga oras na yun kung gaano ako kasaya.
Yung tunog ng dagat, yung ingay ng mga kaibigan ko habang nag-iinuman.
Yung pakiramdam ng buhangin sa likuran ko.
Wala na kong ibang narinig kundi ang saya ng mga hiyawan nila.
Napaisip ako sa mga nakaraang araw.
Oo, naisip ko padin siya sa lugar na yun.
Tumayo ako at naglakad sa malayo.
Anlamig ng tubig habang tumatama sa mga paa ko.
Yung sigarilyo ko lamang ang nagbibigay ng init sakin.
"Putangina mo!!!!"
Sumigaw ako nang malakas.
"Puta ka! Wala kang kwenta!"
Dinagdag ko pa.
"Sana maranasan mo din yung naranasan ko!!!!"
"Putangina mo!!!"
"Aaaaaaaaaaaahhh!!!"
Hindi ko alam ba't ko nasabi yung mga ganun,
Pero alam ko first time ko ginawa yun.
Naging saksi yung isla sa paglabas ko ng niloloob ko.
Muling tumama sa mukha ko yung malamig na hangin.
Tinatawag na ko ng mga kaibigan ko.
Lumapit ako kay Grace at niyakap ko siya.
Ang gaan ng pakiramdam ko.
Sobrang gaan.
Iiwan ko sa isla lahat ng hinanakit ko.
Kakalimutan ko na ang lahat.
Alam ko yun na ang simula.
Pagbalik ko ng Maynila magbabago ang lahat.
No comments:
Post a Comment