Sunday, April 24, 2011

Tumambay Ako Sa Nakaraan

Matagal-tagal na din nung huli akong pumunta sa SM Fairview.
Sinasadya ko talaga iwasan yung lugar na yun kasi
madaming makakapagpaalala sakin dun sa mga bagay na gusto ko nang kalimutan.
Mga bagay na sa tagal na din eh unti-unti nang nawalan ng epekto sakin.

Kanina habang nasa fx papunta dun, nadaanan namin yung sa may sakayan ng bus sa may bagong gawang annex.
Naalala ko bigla kaming dalawa.
Dun kami madalas tumawid dati pag sasakay ng bus.
Palagi ko pa nga sinasabi sa kanya na ayaw ko tumawid dun dahil hindi naman tamang tawiran yun,
pero pinipilit nya ko kasi kelangan na namin sumakay.
Napangiti nalang ako.

Pagkababa ko ng fx sa may Annex 1, nakita ko yung Starbucks.
Bumalik sa isip ko yung gabing unang beses kaming nagkita.
Naka-gray pa siya nun tas naka-blue ako.
At nung gabing yun, nagkaron ako ng free 2 coffee sa Starbucks.
Dun niya ko niyaya manuod ng movie at magdinner.
Nakakatuwa. Naaaliw ako sa sarili ko.

Sa loob ng mall, dumaan ako ng department store kung saan mahilig siya tumingin ng formal wear at mga relo.
Mahilig siya sa relo eh. Mahilig din siya sa formal wear,
hindi katulad ko na palaging rugged ang dating.
Paglabas ko ng department store, napadaan ako sa Sports Central.
Dun kami nagkita bago kami pumunta ng Commonwealth para magkape at manuod ng sangkatutak na pelikula sa laptop.
Naimagine ko pa nga yung ichura nya nun habang tumitingin ng running shoes at hinihintay ako.

Nung tapos na ko sa mga kelangan kong bilhin at gawin, naisipan ko na umuwi,
pero dumaan muna ko ng McDonalds.
Ang daming tao.
Ang haba ng pila. Pagtingin ko sa loob, wala nang pwesto.
Nakita ko din dun yung pwesto ko kung san kami umupo at nag-usap dahil nagkaron kami ng tampuhan.
Binigyan ko pa siya nun ng something cute galing sa Papemelroti.
Napangiti na naman ako.

Pagkalabas ko ng mall, sumakay na ko ng fx pauwi.
Sa daan palabas ng SM, dumaan kami sa may Jollibee na malapit sa papuntang Tungko.
Dun kami pumunta pagkatapos ko siya sunduin sa trabaho niya.
Dun kami halos hindi nag-usap at naubos yung oras sa patingin tingin lang.
Dun kami huling nagkita.

Habang lumalayo ako sa SM, walang ibang laman yung isip ko kundi siya.
Yung mga bagay na ginawa namin, kung gaano kami kasaya dati.
Sa puntong yun, namiss ko siya uli.
Naisip ko pa nga, pano kung bigla kaming nagkita sa SM?
Papansinin ko kaya siya o papansinin niya kaya ako?
Ngingitian ko ba siya o dedemahin ko lang?

Tumingin nalang ako sa harapan.

Siguro namiss ko lang yung mga oras na magkasama kaming dalawa.
Yung mga oras na palagi kong hinihiling na sana di na matapos.
Yung mga oras na tinago ko sa puso ko.
Yung mga oras na siya lang at wala nang iba.
Namiss ko lang yung feeling ng inlove. Inlove sa kanya.

Pero hindi katulad dati, masaya ako ngayon.
Masaya ako kasi hindi na ko nasasaktan uli.
Kasi sa tinagal tagal na din ng lumipas eh sa wakas nakaya ko na uli.
Masaya ako kasi alam kong kung nasan man kami ngayon eh yun talaga yung tinadhana para samin.
Tsaka, matagal na panahon na din yun.
Ok na.
Ok na. :)

No comments:

Post a Comment