Minsan, kahit sa sasakyan o sa sala lang, kung may marinig ako na makakarelate ako,
minsan umiiyak ako.
Nagtataka lang ako bakit karamihan satin, pag malungkot, eh malulungkot na kanta pa ang pinakikinggan.
Nabasa ko na dapat pag malungkot ka, masasayang kanta yung pakinggan mo.
Siguro nga dapat ganun, pero mahirap kasi mag-headbang pag umiiyak yung puso mo.
Naisip ko din, yung mga panahong sinulat ang mga malulungkot o masasayang kanta, hindi kaya yun yung nararamdaman ng songwriter sa panahong sinusulat nya yun?
For example:
"Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, girl
‘Cause my sun doesn’t shine,
Sun doesn’t shine without you"
~hindi kaya heartbroken din yung writer habang sinusulat yan?
o eto..
"Go on now go walk out the door
just turn around now'cause you're not welcome anymore"
~feeling ko galit yung songwriter habang ginagawa to.
Pero ang tanong, gano kahaba yung lifespan nito?
Kasi ako, kunyari, malungkot ako, tas makikinig ako ng let's say "Jealous" ni Nina (yuck baduy), lalo ako malulungkot.. kasi I'm feeling sad din talaga kaya pinakinggan ko yun.
Pero pag nagtagal, pag pinakinggan ko uli, parang wala nang epekto sakin.
Yung tipong, "ano naman ngayon?" yung reaction ko.
Siguro totoo nga na wala naman talagang permanente sa mundo.
Yung feelings, emotions, lahat yan nagbabago.
Hindi naman palagi nalang malungkot, minsan dapat party mode ka din.
No, seriously, narealize ko na masasabi mo lang pala yung mga lines na
"mahal na mahal kita, mamamatay ako pag nawala ka.."
or
"di ko kayang mawala ka..ikaw ang buhay ko"
Kasi sobrang strong pa ng feeling mo sa tao or sa isang situation.
Pero pag lumipas na yung panahon at napagod ka na din or say natauhan ka na, wala na.
Ang point ko lang sa blog entry na to eh just let your feelings go.
Whatever bad situation you may be in right now,
believe me,
lilipas din yan.
Kung gano katagal, depende nalang sayo yan.
Tulad ng mga kantang malulungkot, pwedeng sa ngayon pinapaiyak ka nila,
pero one day you'll look back at sasabihin mo "shet, I can't believe na pinaiyak ako ng kantang to." tas tatawa ka nalang. Wala na yung mga luha, wala na yun sakit na naramdaman mo nung unang narinig mo yung kanta.
Ang best part? Magiging LSS mo pa.
:)
Ang best part? Magiging LSS mo pa.
:)
I've been there bro. Yun ang hirap pag naging LSS mo pa yung song ninyo. Amputah!!!
ReplyDelete