Thursday, October 13, 2011

Paglipad ng Isip

Gustung-gusto ko pag bumibiyahe.
Pag nakatingin ako sa bintana ng sasakyan, masarap tignan yung mga bagay-bagay.
Yung mga batang nagtatakbuhan sa labas, yung matandang tumatawid ng kalsada, o kahit yung mga asong gumagawa ng tuta.

Pag nakatingin ko sa bintana habang bumibiyahe, pakiramdam ko sobrang malaya ako.
Kasabay ng mga ilaw na isa-isang lumiliwanag sa mga mata ko, nangniningning din yung diwa ko sa mga bagay na pumapasok sa utak ko.
Dun ko nagagawang isipin yung mga bagay na di ko naiisip sa loob ng kwarto.
Yung mga bagay na pinaplano ko para sa future, mga bagay na gusto ko mangyari sa buhay ko.

Tulad kanina, habang papunta ako sa trabaho, naisip ko na pag may camera na ko, gusto kong sumali sa isang Photography Club. Yung tipo na madami akong magiging bagong kaibigan. Napa-excite ako sa thought na yun. Yung tipo na mag-o-out of town.

Di pa kasi ako nakakasakay ng airplane.

Ano kayang pakiramdam na nasa loob ka ng airplane?
Pag lumipad na, o yung pag nag-take off na. Sabi nila masakit daw sa tenga, pero gusto kong maranasan.
Gusto ko makarating sa Cebu, sa Davao, sa Ilo-Ilo. Gusto ko makita yung mga tarsier, yung chocolate hills, at kung anu-ano pa na sa libro ko lang nakikita.

Naisip ko din, gusto ko ipagawa yung bahay. Gusto ko yung bahay namin unti-unting maging dreamhouse ko. Naisip ko na agad yung magiging ichura niya next year.

Habang nasa Kamuning at nakatingin sa masikip na traffic, napatigil ako bigla.
Ano nga ba talagang gusto ko?
Andami kong plano, andami kong gustong mangyari, pero hindi ko alam kung matutupad ko ba lahat yun.

Gustung-gusto ko talaga pag bumibiyahe. Lalo na pag malayo.
Dun ko nahahayaang lumipad yung isip ko. Lumipad kasabay ng mga ibon papunta sa iba't-ibang lugar na maaabot ng mga pakpak nila.

Sa biyahe, kahit papano naiiwasan kong isipin yung mga bagay na naiisip ko pag mag-isa lang ako sa kwarto.

Yung mga bagay na...

Dapat nuon ko pa kinalimutan.

1 comment:

  1. Sa eroplano, pakiramdam ko lang, para akong nakakulong tungo sa paglaya. Hindi makagalaw sa loob eh. Pero oras na lumapag ang sasakyan, ramdam sa buong pagkatao ang kaluwagan sa pakiramdam! Masarap bumyahe! Malayo sa Maynila. Malayo sa magulo nating araw-araw na mundo. :)

    ReplyDelete