Sanay na ko sa mga solo flights. Hindi, di ako antisocial. Nasanay lang ako.
Nung umpisa, mahirap.
Nung nagtagal, OK na.
Kumain mag-isa, mag-mall mag-isa, manuod ng sine mag-isa, mamasyal mag-isa.
Magyosi mag-isa, bumili ng damit mag-isa, bumili ng sapatos mag-isa.
Manuod ng concert mag-isa, umuwi mag-isa, bumiyahe mag-isa.
Ayos lang naman sakin. Sabi ko nga "I don't mind being alone."
Pero minsan may point na naiisip ko na mukhang mas OK sana pag may kasama.
Yung kasama mo magkape, kasama mo bumili ng ice cream, kasabay mo uminom ng beer.
Wala lang. Sumagi lang sa isip ko habang nasa gitna ng trabaho.
Nagtanggal ako ng salamin at nagmasahe ng mata.
Sanay na ko sa mga ganung bagay. Minsan nga lang, naaalala ko nung may palagi akong kasama.
OK lang naman. OK lang talaga.
Pero...
Hanggang kelan?
No comments:
Post a Comment