Saturday, November 19, 2011

Ako at ang Kamera.

Mahal na mahal ko ang photography. Kung gano ko kamahal ang pagdodrawing at pagsusulat, ganun ko din kamahal ang photography. Bata pa lang ako, mahilig na ko humawak ng camera. Alam ko yung camera pa namin nun eh yung Canon na compact lang. Pag kinukunan ko ng picture yung bagay o mga tao, ayoko ng nasa gitna yung subject. Feeling ko kase babarilin lage yung subject, pero yung nanay ko pinagpipilitan lage na "anak sa gitna ha". Syempre, susunod nalang ako.

Flash forward dumating ang highschool. Sa Journalism subject namin, ako yung naatasang maging isa sa mga photographer ng school. Pag may events like sportsfest kami yung kumukuha. Gamit ko padin yung compact na camera, mas nagkaron ako ng creative freedom when it comes to shooting pictures. Yung sa ibang section, naka-digicam. Ako naka-film lang. Di naman kase kami ganun kayaman para maka-afford ng digicam. Mahal pa yun nung time na yun (eh ngayon makakabili ka ng disenteng digicam pag may 3k ka). So nagcocontribute nalang yung buong klase sa pagpapadevelop ko ng pictures. Sa tingin ko worth it naman kase ok yung kinalalabasan ng mga kuha ko.

Dumating yung college at nagfine arts ako. 2nd year sa photography subject nirequire kami ng DSLR. Sinabi ko yun sa tatay ko, syempre medyo mahal kaya nangutang sya ng pambili nun. Pagpunta namin sa mall (SM North EDSA), nasa 50k yung pinakamurang DSLR. 30k lang pera ni tatay. So nagtanong kami kay kuya salesclerk kung ano bang pwede na may DSLR features. Binigay niya samin yung Canon Powershot S3IS. Unang tingin mukha syang DSLR. Medyo malaki, gwapo, bulky.. yun nga lang, hindi removable yung lente. Pero astig ang features kala mo naka-DSLR ka talaga. "Pwede na yan" sabi ko kay tatay. Kaya ayun binili na namin. Eto yung isa mga pinaka-favorite kong part ng college life. Dami ko natutunan. Natuto kame magdevelop sa darkroom, gumawa ng sinaunang camera (pinhole camera), aperture, shutter speed, night photography, at kung anu-ano pa.


Present time. Naglalakad ako sa Gateway kasama yung officemate ko. Pumasok kami sa Automatic Centre.  Wala naman akong balak pumunta sa camera section pero napadaan ako. Nakita ko dun sobrang astig na camera. Canon 1100D na kuya pula. Oo, pula sya. Gwapong-gwapo ako kase 1st time ko nakakita ng DSLR na hindi itim. Nalaman ko may brown at silver din na available na kulay niya. Sabi ko sa sarili ko pag-iipunan ko yun.

At matapos ang mahaba-habang ipunan, mga tatlong buwan din, nakuha ko na siya. Ang sobrang gwapong pangarap kong camera natupad na. More creative freedom to. More ways to explore photography. Gagamitin ko to nang tama. Sa luma kong camera, 4 na taon ko din sya napakinabangan at hanggang ngayon sobrang astig padin niya. Parang di sya naluma. Pero siguro kelangan na muna nya magpahinga. Alam kong bugbog na bugbog na siya. :)


1 comment:

  1. ako din mag iipon din ako ng camera.. and i think it's time that Mr. Exilim should take a break.. :)

    ReplyDelete