Saturday, December 3, 2011

Inggit.

Habang nag-uupload ng new pictures sa Facebook, may notification na dumating.
"Jaijai Menia tagged you in a post."
Pagkatapos na pagkatapos ko gumawa ng bagong album, tinignan ko yung post. Video siya na ang title is "Our handshake :]". Pinanuod ko. 23 seconds lang sya Nakahiga yung dalawang lalake. Naghawak mga kamay nila hanggang sa bumuo sila ng puso at sa huli eh naglapat yung mga labi nila. Nakakatuwa. Kinilig ako nang sobra. Dahil dun, tinignan ko pa yung iba nilang video sa Youtube page nila.

May nakita ako ang title naman "3 Month". Plural dapat diba pero ganyan yung title eh. LOL. Anyway, balik sa video, ang opening ng video eh dedication text sabay tugtog ng intro ng A Whole New World.

Dun palang, kinilig ako agad.

Tas sumunod yung mga pictures nila together. Pictures na kuha sa rollercoaster, sa ferris wheel, sa kung saan-saan pa. Lahat ng pictures halos eh kung hindi magkahawak kamay nila, eh magkahalikan naman sila. Sobrang tamis ng video.

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
Dahil siguro sa kanta?
Dahil sobrang sweet?
Siguro kasi naiinggit ako?

Ang vulnerable ko talaga pagdating sa mga ganitong bagay. Pagkatapos ng slideshow ng pictures nila, pumasok naman yung video na nagdededicate siya ng message para sa partner niya.

Ang sweet ng message, kung pano sya mag-thank you sa kanya, kung pano sila nagkakilala.
Syempre, di mawawala yung "I love you". Nag-mwah pa sya sa ending ng message.
Ang sweet. Nakakakilig. Napangiti ako. Natuyo na luha ko.

Pero sa huli nakaka-inspire. Na meron pa palang true love (oh cheesy na). Pero seriously nainspire talaga ko. Na I'll continue to hope for I still have love.

1 comment:

  1. wow. i am as vulnerable as you are. My eyes tend to be flooded with tears when I see these kinds of videos, kaya lang hindi ko na siya mapanood kasi hindi na gumagana ung links.

    however, i just want to say bro na parehas tayo, naiinggit din ako most of the time especially when I see people together, alam mo un yung among all the billions of people here on earth, they were able to find each other pero ikaw you are still wandering on this land, seeking, waiting, and hoping for the right person but he/she never comes.

    for me, i cry because i pity myself and i see myself so miserable and desperate to love and be loved back.

    anyway, i do hope that you find the right person for you so that when you cry again you'll have that person next to you ready to wipe away your tears.

    Good luck and God bless. : )

    ReplyDelete