Monday, November 7, 2011

May Good News Ako.

Hindi ko mapaliwanag kung ano yung nararamdaman ko nung paggising ko nung umagang yun.
Magaan, maluwag sa pakiramdam, ang sigla sigla ko.
Wala akong nararmdamang lungkot, walang pagsusumamo. Pinilit kong isipin yung mga bagay-bagay nung mga nakaraang araw.

Hindi na ko katulad ng dati.

Nung gabi, nagkita kami ng bestfriend ko sa Starbucks Trinoma.
"May good news ako." sabi ko. Nakangiti.
"Oh, ano yun?"
"Naalala mo yung nasa Cubao Ex tayo dati?"
"Na ano?"
"Yung hindi ko alam kung nasan yung puso ko."
"Oh bakit, ano meron?"
"Nasakin na siya uli. Bumalik na siya."

Tumawa siya.
"Ang corny mo ha!"
"Gago!" tas binatukan ko siya.

"Bakit, may bago ka na?"
"Gaga wala. Kusa lang bumalik. Siguro namiss niya ko. Ang tagal kaya nyang nawala!"
"Mabuti naman." sagot ng bestfriend ko.

Sa karamihan ng mga previous blog entries ko, patungkol sa isang tao na kumuha ng puso ko lagi yung topic. Ang tagal na nun diba? Kaya eto, bumalik na siya at masaya ako kase alam kong totoong nakapag-move on na ko.Salamat na din sa kantang Since U Been Gone. LOL. Pero seryoso, hindi ko inaakalang dadating yung araw na to.

"Namiss ko yung puso ko. Babawi ako sa kanya." dugtong ko.

Natahimik kami at tumingin ako sa mga dumadaang sasakyan. Naghithit ng yosi.
"Siguro hindi sya nawala. Andyan lang siya. Nakakaramdam lang sya uli ngayon. Ready na siya. Ready na siya uli." naisip ko.

Ngayon, handa na ko sa mga bagong adventures. Sa mga bagong dadating. Sabi nga, laging may rainbow pagkatapos ng ulan. Kung anuman yung nasa hinaharap, bahala na si Batman.

Tumingin ako sa bestfriend ko at ngumiti.
"Tara, Cubao Ex?"
"Anong gagawin natin dun?"
"Iinom!"

At dali-dali kaming tumayo sa upuan para mag-celebrate.
In fairness sa bestfriend ko, magsisix years na kami. Laging andyan para sakin. Siguro nga, forever na to.

Oo, forever na to.

No comments:

Post a Comment